Panteon na Ehipsiyo


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Mga diyos ng Sinaunang Ehipto
Ang Mga Diyos ng Sinaunang Ehipto ang mga diyos at diyosa na sinasamba sa Sinaunang Ehipto. Ang ilang mga pangunahing diyos ay tinutukoy bilang mga manlilikha ng cosmos. Ang mga ito ay kinabibilangan nina Atum, RaAmun (Amen), at Ptah gayundin din ang mga kompositong anyo ng mga diyos na ito gaya ng Amun-Ra. Ito ay hindi nakikitang kontradiktoryo ng mga Sinaunang Ehipsiyo. Ang pag-unlad ng Relihiyon ng Sinaunang Ehipto sa Bagong Kaharian ng Ehipto ay nagtulak sa ilang mga sinaunang Ehiptologo gaya ni E. A. Wallis Budge na magpalagay na ang mga Sinaunang Ehipsiyo ay sa realidad mga monoteistiko. Ang iba gaya ni Sir Flinders Petrie ay tumuturing sa mga Sinaunang Ehipsiyo na mga politeista. Ang salitang Ehipsiyo para sa diyosa ay (; , ) at ang salita para sa diyos na lalake ay (; at may transliterasyon na , ). Ang hieroglyph ay kumakatawan sa isang tungkod na binalutan ng damit na ang malayang dulo ng damit ay pinakita sa taas.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.