Ang
pamimirata,
panunulisan, o
pandarambong ay karaniwang isang gawain ng
pagnanakaw o
panliligalig na
kriminal (labag sa batas) na nagaganap sa
karagatan, kaya't tinatawag ding
panunulisan sa dagat o
pandarambong sa dagat. Maaaring isama sa kataga ang mga gawain na ginagawa habang nasa lupa, nasa himpapawid, o sa iba pang pangunahing mga katawan ng tubig o habang nasa
dalampasigan o baybayin. Hindi karaniwang kasali rito ang mga krimen na ginagawa laban sa mga tao na naglalakbay at nakasakay din sa mismong sasakyan ng mga tulisan (katulad ng isang pasahero na nagnakaw mula sa kaniyang mga kasamahang pirata na nakalulan sa iisang sasakyan). Ang kataga ay ginamit sa kahabaan ng kasaysayan upang tukuyin ang mga pagsalakay sa kahabaan ng mga hangganang lupain na isinagawa ng mga ahenteng walang estado.