Si
Papa Heraclas ng Alexandria ang nagsilbing ika-13
Papa ng Alexandria (pinuno ng
Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria at
Griyegong Ortodoksong Simbahan ng Alexandria) sa pagitan ng 232 CE at 248 CE. Siya ay inaalala sa Koptikong
Synaxarion sa ikawalong araw ng Koiak. Kanyang sinundan si
Origen bilang pinuno ng Kateketikal na Eskwela ng Alexandria. Siya ay tinukoy bilang ang unang
Obispo ng Alexandria na nagdala ng apelasyong "
Papa"(na pagtawag na nangangahulugang "Ama" na isang katawang hindi ginamit ng
Simbahan sa Roma hanggang ika-6 siglo CE). Ang unang alam na rekord ng designasyong itinakda kay Heraclas ay sa isang liham na isinulat ng obispo ng Roma na si
Papa Dionisio kay Filemon:
τοῦτον ἐγὼ τὸν κανόνα καὶ τὸν τύπον παρὰ τοῦ μακαρίου πάπα ἡμῶν Ἡρακλᾶ παρέλαβον. [Natanggap ko ang patakaran at kautusang ito mula sa ating banal na papa, Heraclas.]