Ang
Papua New Guinea na opisyal na tinutukoy na
Malayang Estado ng Papua New Guinea (Ingles:
Independent State of Papua New Guinea) ay isang bansa sa
Oceania, sinasakop ang silangang kalahati ng pulo ng Bagong Guinea at ilang mga panlabas na pulo (ang mga lalawigan ng
Indonesia ng Papua at Kanlurang Irian Jaya (
Irian Jaya Barat) ang sumasakop ng natitirang kalahati ng Bagong Guinea). Matatagpuan ito sa
Karagatang Pasipiko, sa isang rehiyon na ikinahulugan noong ika-19 siglo bilang
Melanesia.
Port Moresby ang kapital at isa sa mga ilang pangunahing lungsod nito.