Ang
Paraguay na may opisyal na pangalan na
Republika ng Paraguay (binabaybay ding
Paragway) ay isang bansa sa
Timog Amerika. Nagmula ang pangalan ng bansa mula sa mga salitang Guaraní (bigkas /gwa·ra·ní/) na
pará, nangangahulugang “ilog”, at
guay, nangangahulugang “itong pampang”. Hinihinala na, sa Guaraní, tumutukoy lamang ang ekspresyong ito sa
Asunción, ngunit, sa
Espanyol, tumutukoy ito sa buong bansa.