Ang
Paris (bigkas:
pa-RIS; bigkas sa Pranses:
pa-RI) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng
Pransya, na matatagpuan sa pampang ng
Ilog Sena, sa hilagang Pransya, sa kalagitnaan ng rehiyong
Pulo ng Pransya (o Rehiyong Parisino). Ang lungsod ng Paris, na ang mga hangganang panlungsod nito ay hindi nagbago simula noon taong 1860, ay may tinatayang populasyon na 2,193,031 (Enero 2007), ngunit ang Kalakhang Paris ay may populasyon na 11,836,970 (Enero 2007), at ito isa sa mga pinakamataong kalakhan sa
Europa.