Sa pagtatapos ng paggawa ng payak o basikong padron, na tinatawag na pattern blocks, (e.g. sleeve block, front bodice block, etc.) ito ay nilalagyan ng ilang mahahalagang impormasyon ukol sa uri at spesipikasyon nito upang mas madali itong unawain ng mga mananahi, lalung-lalo na sa mga kumpanyang may kinalaman sa maramihang produksyon (mass production) ng mga damit. Sa maramihang produksyon ng damit, ang tawag sa bawat pattern ay sloper (e.g. sleeve sloper, bodice sloper, etc.)