Ang
Parthenon ay isang templong Sinaunang Griyego sa Acropolis ng Atenas,
Gresya na inalay sa diyosang si
Athena na itinuring ng mga mamamayan ng
Atenas na kanilang patron. Ang pagtatayo nito ay nagsimula noong 447 BCE nang ang Imperyong Ateniano ay nasa tugatog ng kapangyarihan nito. Ito ay nakumpleto noong 438 BCE bagaman ang pagpapalamuti ng gusali ay nagpatuloy hanggang 432 BCE. Ito ang pinakamahalagang nakaligtas na gusali ng Gresyang Klasiko na pangkalahatang itinuturing na kulminasyon ng orden na Doriko. Ang mga iskulturang pagpapalamuti ang itinuturing na ilang mga matataas na punto ng Sining sa Sinaunang Gresya. Ang Parthenon ay itinuturing na tumatagal na simbolo ng
Sinaunang Gresya, demokrasyang Ateniano, kabihasnang kanluranin at isa sa pinakadakilang mga monumentong pangkultura. Ang Kalihim ng Kultura at Turismo ng Gresya ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang programa ng selektibong pagbabalik at muling pagtatayo upang masiguro ang katatagan ng parsiyal na nagibang istruktura.