Ang
pastelerya (Ingles:
pastry) ay isang pangalan na ibinibigay sa sari-saring mga uri ng mga produktong hinurno na yari mula sa sangkap na katulad ng
harina,
asukal,
gatas, mantikilya, pampalutong (o mantika), pampaalsa, at/o mga
itlog. Ang maliliit na mga
keyk, mga tart, at iba pang matatamis na mga produktong hinurno ay tinatawag na mga "pastelerya".