Ang
Dagat Patay o
Dagat na Alat ay isang
lawang nakalatag sa pagitan ng mga bansang
Israel at
Jordan. Sa 418
m (1,371
talampakan) sa ilalim ng antas ng dagat, ito ang pinakamababang bahaging nasa ibabaw ng
mundo. Halos siyam na ulit na mas maalat ito kaysa
dagat. Napakaalat ng Dagat Patay kaya't imposible sa karamihan sa mga may
buhay na umiral dito. Ito ang dahilan kung bakit ganito ang pangalan o tawag dito. Subalit, hindi naman ito lubos na patay o walang buhay dahil may ilang uri ng
bakteryang nakakapamuhay sa katubigan nito. Dahil napakaalat ng tubig ng lawang ito, mas mabigat ito kaysa tubig-tabang, at madaling nakalulutang ang isang tao na may kaginhawahan. Pumupunta ang mga turista sa Dagat Patay upang makalutang sa tubig nito.