Pelikulang Aksyon


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pelikulang aksiyon
Ang Aksiyon ay isang genre ng pelikula kung saan ang isa o higit pang mga bida ay sumasailalim sa isang serye ng mga hamon na nangangailangan ng pisikal na katangian, matagalang labanan at nakatatarantang mga habulan. Sa isang pelikulang aksiyon, ang kwento at paglikha ng tauhan, sa pangkalahatan, ay pumapangalawa lamang sa mga eksena ng pagsabog, suntukan, barilan at habulan ng sasakyan. Habang ang aksyon ay matagal nang isang elemento ng pelikula, ang "Pelikulang Aksiyon" bilang isang genre ay nabuo lamang noong 1970s. Ang genreng ito ay maiuugnay sa mga genre na thriller at pakikipagsapalaran, at ito ay maaaring minsan ay may mga elemento ng spy fiction at espionage.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.