Ang
pisika o
liknayan (Ingles:
physics) ay isang natural na
agham na sumasangkot sa pag-aaral ng
materya at mosyon nito sa
espasyo-panahon kasama ng mga kaugnay na konseptong gaya ng
enerhiya at
pwersa. Sa malawak na paglalarawan, ito ang pangkalahatang analisis o pagsisiyasat ng
kalikasan na isinasagawa upang maunawaan kung paano umaasal ang
uniberso.