Ang
Pinlandya (; Suweko:
Finland), na opisyal na tinatawag na
Republika ng Pinlandya, ay isang bansang Nordiko sa rehiyon ng Fennoscandian sa Kahilagaang Europa. Ang kanlurang hangganan nito ay ang
Suwesya,
Norwega naman sa hilaga at
Rusya sa silangan, habang matatagpuan naman ang
Estonya sa timog sa ibayong bahagi ng Look ng Pinlandya.