Ang
pisikang nukleyar ay isang bahagi ng
pisika na nag-aaral ng nukleyus ng
atom. Ang lahat ng mga bagay sa mundo ay binubuo ng mga atom; sila ang pinaka maliliit na bahagi ng isang
elementong pangkimika na mayroon pa ring mga pag-aaring katangian ng ganiyong tiyak na elemento. Kapag dalawa o mahigit pang mga atom ang nagsama, lumilikha sila ng nakikilala natin bilang isang
molekula, na siyang pinaka maliit na bahagi ng isang
kumpuwestong kimikal na mayroon pa ring mga pag-aaring katangian ng ganiyong tiyak na
kumpuwesto. Ang pag-unawa sa kayarian ng mga atom ang susi sa mga pag-aaral na katulad ng pisika,
kimika,
biyolohiya, at iba pa.