Ang
Plaza Miranda ay isang plasa o liwasang pinapaligiran ng Bulebar Quezon, Kalye R. Hidalgo at Kalye Evangelista sa
Quiapo,
Maynila. Ito ang plasang humaharap sa
Basilika Menor ng Itim na Nazareno (Simbahan ng Quiapo), isa sa mga pangunahing simbahan ng Lungsod ng Maynila, at kinikilala ito bilang sentro (o poblasyon) ng buong Quiapo. Ipinangalan ito kay José Sandino y Miranda, na naglingkod bilang Kalihim ng Kabang-Yaman ng Pilipinas mula 1833 hanggang 1854, at inagurahan ito sa kasalukuyan nitong anyo noong taning ni dating Alkalde Arsenio Lacson noong 1961.