Ang
Pleistoseno (Ingles:
Pleistocene at may simbolong P
S) ang epoch na heolohiko na tumagal mula mga 2,588,000 hanggang 11,700 taon ang nakalilipas na sumasaklw sa kamakailang panahon ng paulit ulit na mga glasiasyon(pagyeyelo) ng daigdig. Ang
Pleistocene ay hinango sa Griyegong (
pleistos "karamihan") and (
kainos "bago"). Ipinakilala ni
Sir Charles Lyell ang terminong ito noong 1839 upang ilarawan ang
strata sa
Sicily na may hindi bababa sa 70% ng mga faunang
molluska na namumuhay pa rin sa kasalukuyan. Ito ay nagtatangi ng epoch na ito mula sa mas matandang
Plioseno na orihinal na inakala ni Lyell na pinaka-batang patong ng batong
fossil. Ang Pleistoseno ay sumusunod sa
Plioseno at sinusundan ng Holoseno. Ang Pleistoseno ang unang epoch ng
Kwaternaryo o ikaanim na epoch ng era na Cenosoiko. Ang wakas ng Pleistoseno ay tumutugon sa wakas ng huling panahong yelo. Ito ay tumutugon rin sa wakas ng panahong
Paleolitiko sa
arkeolohiya. The end of the Pleistocene corresponds with the end of the last glacial period. Sa iskala ng panahong ICS, ang Pleistoseno ay nahahati sa apat na mga yugto: ang Gelasian, Calabrian, Ionian at Tarantian. Ang lahat ng mga yugtong ito ay inilalarawan sa katimugang Europa. Sa karagdagan sa subdisbisyong internasyonal na ito, ang iba't ibang mga subdibisyong pang-rehiyon ay kadalasang ginagamit. Bago ang isang pagbabago sa wakas ay kinumpirma noong 2009 ng International Union of Geological Sciences, ang hangganan sa pagitan ng Pleistoseno at ang naunang
Plioseno ay itinuturing na nasa 1.806 at hindi 2.588 milyong taon BP. Ang mga publikasyon mula sa mga naunang taon ay maaaring gumait ng kahit anong depinisyon ng panahon.