Ang mga
damo o
Poaceae at
Gramineae ay isang pamilya sa Klase Liliopsida (ang mga
monocot) ng mga
namumulaklak na halaman. Ang mga halaman na napapaloob sa pamilyang ito ay kalimitang tinatawag na
damo. Ang mga mukhang palumpong o kaya puno na halaman na kabilang sa pamilyang ito ay tinatawag na
kawayan (meron din namang hindi makahoy at mala-yerba na kawayan). Mayroong mga 600 na
sari at mga 9000–10,000 o mas marami pang
uri ng damo (Kew Index of World Grass Species). Ang mga pamayanan ng mga halaman kung saan nakakarami ang mga Poaceae ay tinatawag na damuhan o
grassland; sinasabing ang mga damuhan ay bumubuo sa 20% ng balot ng halaman ng mundo. Ang mga uri ng damo ay makikita sa iba't ibang habitat gaya ng mababasang lup, gubat at tundra. Sinasabing ang Poaceae ay ang pinakamahalagang pamilya ng halaman sa ekonomiya ng tao: kasama na dito ang mga pangunahing
pagkain na butil at cereal na sinasaka sa buong mundo, damo sa damuhan at mga damong pinapakain sa hayop, at kawayan, na isang mahalagang gamit sa konstruksyon sa silangang
Asya at sub-Saharan
Aprika.