Ang
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) (
Ingles:
Polytechnic University of the Philippines) ay isang pamantasan ng estadong matatagpuan sa Santa Mesa,
Maynila,
Pilipinas. Itinatatag noong 1904 sa pangalang
Manila Business School sa Calle Gunao, Quiapo,
Maynila. Kilala rin sa tawag na
Tanglaw ng Bayan. Noong sentenaryo ng pamantasan, idineklara ni Pangulong
Gloria Macapagal Arroyo ang PUP bilang
Pambansang Komprehensibong Unibersidad ng Pilipinas (
National Comprehensive University) dahil sa mga adhikain nitong maitaguyod ang kahalagahan ng edukasyon sa mga Pilipino. Sa kasalukuyan, ang unibersidad ay isa sa mga tinitingalang institusyong pang-akademya sa bansa.