Pompey


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Pompey
Si Gnaeus Pompeius Magnus, na nakikilala rin bilang Pompey , Pompeyo, Pompey ang Dakila o Pompeyo ang Dakila (nomenklatura o kapangalanang opisyal:CN·POMPEIVS·CN·F·SEX·N·MAGNVS; 29 Setyembre 106 BK – 28 Setyembre 48 BK), ay isang pinunong pangmilitar at pampulitika ng panghuling bahagi ng Republikang Romano. Ang pinagmulan niya ay isang mayamang lalawigan ng Italya, at ang kaniyang ama ang unang naglunsad ng mag-anak sa piling ng nobilidad o maharlikang Romano. Ang malaking katagumpayan ni Pompey bilang isang heneral habang napakabata pa ay nakapagpagawa sa kaniya na hindi umabot sa normal o karaniwang mga kailangan para sa tungkulin. Ang tagumpay na pangmilitar ng Ikalawang Digmaang Sibil ni Sulla ang nagpahantong sa kaniya upang akuin ang palayaw na Magnus, "ang Dakila". Naging konsul siya nang tatlong ulit, at nagdiwang ng tatlong mga tagumpay.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.