Ang
kalinangang tanyag (Ingles:
popular culture,
pop culture), na tinatawag ding
kalinangang bantog,
kulturang popular,
kulturang tanyag,
kulturang bantog,
kalinangang kinakatigan, o
kulturang kilala, ay ang kabuuan ng mga ideya, mga pananaw, mga saloobin, mga , mga
imahe, at iba pang mga
penomeno na winawaring pinipili at tinatangkilik ayon sa isang impormal na konsensus sa loob ng pangunahing agos ng isang ibinigay na
kalinangan, natatangi na ang sa
kalinangang Kanluranin ng maaga hanggang kalagitnaan ng ika-20 daanton at ng lumilitaw at bumabangong pangunahing
global na pangunahing daloy ng kultura noong hulihan ng ika-20 daantaon at kaagahan ng ika-21 daantaon. Ang kalipunang ito ng mga ideya, na mabigat na naimpluwensiyahan ng masa ng midya, ay tumatagos at lumalagpas sa pang-araw-araw na buhay ng
lipunan.