Ang Portugal, o sa opisyal na Republikang Portuges (República Portuguesa), ay isang bansa na matatagpuan sa timog-kanlurang Europa sa Tangway ng Iberia. Ang Portugal ay ang pinaka-kanluraning bansa sa Europa, at natatabihan ng Karagatang Atlantiko sa kanluran at timog, at ng Espanya sa hilaga at silangan. Ang Atlantikong mga kapuluan ng Azores at Madeira ay bahagi ng Portugal.