Sa
mitolohiyang Griyego, si
Poseidon ang isa sa tatlong naging anak na lalaki nina
Kronos at Rhea. Siya ang panginoon at diyos ng karagatan, kaya't mayroon siyang kapangyarihan sa pagtaban ng mga
alon,
bagyo, at maging ng mga
lindol. Sa paglalarawan, katangian niya ang may hawak ng isang sandatang piruya o tridente, na kahawig ng isang malaking tinidor o sibat na may tatlong tulis at mahabang hawakan. Sa
mitolohiyang Romano, kilala siya bilang si
Neptuno, at bilang si
Nethuns sa
mitolohiyang Etruskano. Sa
Nethuns hinango ang pangalan niyang
Neptuno.