Si
Práxedes Mateo Sagasta (
1825-
1903), sinilang noong
Hulyo 21,
1825 sa Torrecilla en Cameros Logroño, La Rioja,
Espanya at namatay noong
Enero 5,
1903 sa
Madrid. Isa siyang politikong Kastila na naging pangulo ng pamahalaan sa apat na pagkakataon sa pagitan ng
1870 at
1902 bilang kinatawan ng Partidong Liberal, at bilang kasali rin sa
turno pacifico (turnong pasipiko) o "tahimik na paghahalinhinan sa katungkulan" kasama ni
Antonio Cánovas del Castillo. Nalalamang mayroon siyang labis na kakayahan sa pagtatalumpati. Isa siyang liberal na punong ministro. Bilang kasapi ng partidong progresibo habang isang estudyante sa Paarang Pang-inhinyeriya ng Madrdi noong 1848, siya lamang ang natatanging mag-aaral sa eskuwelahan na tumanggi sa paglagda ng isang liham na tumatangkilik kay Reyna Isabel II. Matapos ang kaniyang mga pag-aaral, naging aktibo siya sa pagganap sa mga gawaing pampamahalaan.