Ang
Pygopodidae na karaniwang tinatawag na mga
butiking walang hita, mga
ahas-butiki o mga butiking may paang pagaspas ay isang pamilya ng
Squamata na may nabawasan o kumpletong walang mga biyas(hita). Ito ay nauugnay sa mga
tuko(gecko). May hindi bababa sa 35 espesye nito sa dalawang mga subpamilya at walong henera. Ang mga ito ay may hindi karaniwang mahaba at payat na mga katawan na nagbibigay rito ng malakas na pagkakahawig sa mga
ahas. Tulad ng karamihan ng mga ahas at karamihan ng mga tuko, ang mga ito ay walang takipmata(salungat sa ibang mga
butiki) ngunit hindi tulad ng mga ahas, ang mga ito ay may panlabas na bukasan ng tenga at isang patag at hindi nahahati sa dalawang linyang dila. Ang mga ito ay katutubo sa
Australia at New Guinea. Ang mga kasapi nito ay walang harapang biyas ngunit mayroong mga
bestihiyal na likurang biyas sa anyo ng maliliit at patag na mga pagaspas. Ang mga ito ay maaaring may ilang papel sa panliligaw at pag-aasal na pagtatanggol at maaari ring nakakatulong sa lokomosyon sa halamanan. . Ang mga pygopod ay maaaring makarinig ng mga tonong mas mataas kesa sa ibang mga
reptilya. Ang mga nasa espesyeng
Delma pax ay maaaring tumugon sa isang tunog na 60 decibel na may prekwensiyang 11,100 Hz na higit sa isang oktabong mas mataaas sa pinakamataas na nota sa pamantayang piyano.