Ang
Koran,
Quran o
Qur'an (
Arabik: القرآن,
al-Qur’ān, "ang pagbigkas"; tinatawag ring القرآن الكريم,
al-Qur’ān al-Karīm) ang banal na aklat ng
relihiyong Islam. Naniniwala ang mga Muslim na ito ang aklat ng patnubay at direksyon ng sangkatauhan, at isinasaalang-alang ang orihinal na tekstong
Arabic, na salita ng
Allah, diyos ng sangkatauhan na ipinakita kay
Muhammad sa panahon ng dalawampu't tatlong taon, at pinaniniwalaang ito ang huling rebelasyon sa sangkatauhan.. Binubuo ang Qur'an ng 114 na mga surah o kabanata/kapitulo(chapter). Nahahati ang mga surah sa mga ayah o bersikulo(verse). Ang bilang ng ayah(bersikulo) ay magkakaiba ayon sa iba ibang skolar na Muslim sa simula pa ng pagkakalikha ng Islam. Sa ibang skolar ito ay binubuo ng 6,000 ayah, sa iba ay 6,204, sa iba ay 6,219, at sa iba ay 6,236.