Si
Amun-Re, binabaybay ding
Amun-Rê, o
Amun-Ra, ay isang diyos sa sinaunang Ehipto. Siya ang diyus-diyosan ng pinagsamang
hangin at
araw. Siya ang tagapagpasinaya, katauhan, o kaanyuan ng iba pang mga diyus-diyosan ng matandang Ehipto. Noong panahon ng paghahari ni
Paraong Amenhotep IV (kilala rin bilang
Akhenaten), binuwag ang pagsamba kay Amun-Re, na napalitan ng pagsampalataya sa iisang diyos na si
Aten, ang disko ng araw. Kilala rin siya bilang si
Amun,
Yamānu,
Amon,
Amoun,
Amen,
Imen,
Ammon (Griyego: Ἄμμων), at
Hammon (Griyego: Ἅμμων).