Rayumatolohiya


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Rayumatolohiya
Ang rayumatolohiya o reumatolohiya (Ingles: rheumatology) ay isang mahalagang sangay na espesyalidad sa medisinang panloob at pedyatriko, na nakatuon ang pansin sa diyagnosis at terapiya (panggagamot) ng mga karamdamang rayuma o artritis. Pangunahing pinag-aaralan, sinusuri, at ginagamot ng mga dalubhasa rito - tinatawag na mga rayumatolohista, rayumatologo, reumatologo, o reumatologo (duktor ng rayuma, mula sa Ingles na rheumatologist) - ang mga suliraning kinabibilangan ng mga ugpungan ng buto, malambot na mga tisyu at kaakibat na mga kalagayan may kaugnayan sa mga tisyung pangugpong na nasa loob ng katawan ng tao. Nagmula ang rayumatolohiya sa Ingles na rheumatology, na nagbuhat naman sa Griyegong rheuma (katumbas ng rayuma o reuma) na nangangahulugang "yung dumadaloy na katulad ng isang ilog o batis" na dinugtungan ng hulaping -ology (katumbas ng -olohiya) na may ibig sabihing "ang pag-aaral ng."

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.