Ang
Repormang Protestante ay isang repormang kilusang
Kristiyano sa
Europa. Iniisip ito na nagsimula sa
Siyamnapu't-Limang Sanaysay ni
Martin Luther at maaaring maituturing na kasamang natapos ng Kapayapaan sa Westphalia noong
1648. Nagsimula ang kilusan bilang isang pagsubok na baguhin ang
Simbahang Katoliko. Maraming mga kanluraning mga Katoliko ang nabahala sa mga nakita nilang mga bulaang mga katuruan at maling mga kasanayan sa loob ng Simbahan, partikular ang pagtuturo at pagbebenta ng mga
indulhensiya. Ang isa pang pangunahing pagtatalo ang kasanayan ng pagbili at pagbenta ng mga puwesto sa simbahan (
simonya) at kung ano ang nakikita noong mga panahon na iyon bilang isang maituturing na korupsyon sa loob ng pamunuan ng Simbahan. Nakikita ito ng marami noong mga panahon na iyon bilang sistematiko, na umaabot hanggang sa puwesto ng
Papa.