Reproduksyong seksuwal


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Reproduksyong seksuwal
Ang reproduksyong seksuwal o seksuwal na pagpaparami ay ang uri ng reproduksyon na nangangailangan ng dalawang selulang kasarian. Kabaligtaran ito ng reproduksyong aseksuwal. Ang pagpaparaming seksuwal ay ang paglikha ng isang bagong organismo sa pamamagitan ng pagsasanib ng materyal na henetika ng dalawang mga organismo. Mayroong dalawang pangunahing mga proseso habang nagaganap ang reproduksyong pampagtatalik o pangpagtatalik na pagpaparami. Ang mga ito ay ang meiosis, na kinasasangkutan ng paghahati sa bilang ng mga kromosom; at ang isa pa ay ang pertilisasyon, na kinasasangkutan ng pagsasapi-sapi ng dalawang mga gameto at ang restorasyon o pagpapanumbalik ng orihinal na bilang ng mga kromosom. Habang nagaganap ang meiosis, ang mga kromosom ng bawat paris ay pangkaraniwang tumatawid upang makamtan ang rekombinasyong homologo.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.