Ang
Republika ng Konggo (
internasyunal:
Republic of the Congo), kilala din bilang
Gitnang Konggo (
Middle Congo), at
Konggo (ngunit hindi dapat ipagkamali sa
Demokratikong Republika ng Konggo, dating
Zaïre, na minsang nakilala din bilang
Republika ng Konggo), ay dating
kolonyang Pranses sa kanluran-gitnang
Aprika. Pinapaligiran ito ng
Gabon,
Cameroon,
Central African Republic,
Demokratikong Republika ng Konggo at ang Gulpo ng Guinea. Nang naging malaya noong
1960, naging Republika ng Konggo ang dating rehiyong Pranses sa Gitnang Konggo. Pagkatapos ng 25 taong ekperimentasyon sa Marksismo na inabanduna noong
1990, isang demokartikong pamahalaang hinahalal ang natatag noong
1992. Isang maikling digmaang sibil noong
1997 ang nagpabalik sa dating Marksistang Pangulong Denis Sassou-Nguesso.
Brazzaville ang
kapital nito.