Sa malawak na kahulugan, ang isang
republika ay isang
bansa na nakabatay ang samahang
pulitikal sa mga tuntunin na ang mga mamamayan o taga-halal ang bumubuo ng pinakamataas na ugat ng pagiging marapat at nagsasarili. May mga ilang kahulugan, kabilang ang
1911 Encyclopædia Britannica, na binibigyan diin ang kahalagahan ng
pamamayani ng batas bilang bahagi ng pagturing sa isang Republika. Kahit pa, sa pagsasanay ng karamihan ng mga
bansa na walang isang monarkiyang minamana, tinatawag nila ang kanilang sarili bilang isang Republika, at sa mas malawak na kaisipan ng ideya ng isang Repulika, maaaring mabilang ang anumang anyo ng
pamahalaan na hindi isang
Monarkiya.