Ang
Republika ng Tsina, kilala bilang
Taywan (Ingles:
Taiwan, bigkas: /tay·wán/, literal na kahulugan: "baybaying may pilapil") ay isang teritoryo sa
Silangang Asya na binubuo ng isang kapuluan, at ang pinakamalaki at importanteng pulo ay mismong
Taiwan. May lawak ito na 35,981². Pinatalsik ito sa
United Nations nang iniupo ng mga kasaping bansa ang
Republikang Popular ng Tsina bilang kapalit nito. Kinikilala naman ng 27 mga bansa ang Taiwan bilang Republika ng Tsina. Kahit na hindi kinikilala ng karamihan ng mga bansa sa mundo ang Taiwan, pinapanatili pa rin nito ang kanyang relasyong ekonomiko at militar sa ilan sa kanila.