Ang
Rhynchocephalia ay isang order ng tulad ng butiking mga
reptilya na kinabibilangan lamang ng isang nabubuhay na henus na
tuatara(
Sphenodon) at tanging dalawang nabubuhay na espesye. Sa kabila ng kakulangan sa dibersidad, ang Rhynchocephalia sa isang panahong ay kinabibilangan ng isang malaking bilang ng mga henera sa ilang mga pamilya at kumakatawan sa lipi na bumabalik sa era na
Mesosoiko. Maraming mga niche na tinitirhan ngayon ng mga
butiki ay tinirhan ng mga sphenodontian sa panahong ito. Mayroon isang matagumpay na pangkat ng mga pang-tubig na sphenodontian na kilala bilang mga pleurosauro na mapapansing iba sa mga nabubuhay na tuatara.