Ang
ritmo (mula sa
Griyegong
ῥυθμός –
rhythmos, "anumang regular na paulit-ulit na galaw, simetriya (pagkakatimbang)") ,
aliw-iw,
hagod,
indayog,
imbayog,
kumpas, o
tiyempo ng tugtog ay isang "galaw na minarkahan ng tinatabanang palitan o sunuran ng malalakas at mahihinang mga elemento, o ng magkakabaligtad o iba't ibang mga kalagayan o kundisyon." Sa ibang pananalita, ang ritmo ay ang payak na pagtitiyap o pagtataon ng mga tunog na pangmusika at mga katahimikan o pagtahimik. Habang ang rito ay karamihan pangkaraniwang ginagamit sa tunog, katulad ng tugtugin at sinasalitang wika, maaari rin itong tumukoy sa pagkakatawang pampaningin, bilang "itiniyap o itinaong galaw na dumaraan sa puwang o kapaligiran."