Ang
Pederasyong Ruso (
Ruso: Российская Федерация,
Rossijskaja Federacija) o
Russia (
Rusya) ay isang bansang sumasaklaw napakalawak na bahagi ng silangang
Europa at ng buong hilagang
Asya. Ito ang pinakamalaking bansa sa daigdig, tinatayang may sukat na 17 075 40 km² at halos doble ng laki ng sunod na pinakamalaking bansa,
Canada. Ito rin ang ika-siyam na pinakamaraming populasyon na umabot sa 142,000,000 tao. Umaabot hanggang buong hilagang asya at 40% ng Europa, na humigit kumulang 9 time zones at malawak na kalikasan at likas na yaman. Ito ang pinakamalaking reserba ng mineral at lakas enerhiya.