Isang tradisyonal na pantukoy sa
Polonya ang salitang
Rzeczpospolita (pagbigkas: ). Nagmula ito sa dalawang salita:
rzecz (bagay) at
pospolita (karaniwan), kaya ang literal na kahulugan ng salita ay "karaniwang bagay". Isa itong kalko ng
Latin na
res publica, na may magkaparehong kahulugan, at ang batayan ng salitang
republika, na ang karaniwang salin ng "
Rzeczpospolita" sa modernong
Polako. Sa
Tagalog, maaari itong ilapat sa salitang
komonwelt, na ang pinakamalapit ding salin sa
Ingles.