Sabado (Hudaismo)


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Sabado (Hudaismo)
Ang Sabado (Ebreo: שבת, Shabat) ay ang lingguhang araw ng pahinga sa Hudaismo  ang panahon ng pamamahinga o pagtigil sa pagtatrabaho o paghahanap-buhay na sinisimbolo ang ikapitong araw sa Henesis, pagkatapos ng anim na araw ng paglikha. Sa kalendaryong Ebreo, nagmumula ang Sabado sa paglubog ng araw sa Biyernes ng pangkaraniwang kalendaryo at nagtatapos sa pagtanaw ng unang tatlong bituin sa Sabado nang gabi. Ito ang ikapitong araw sa linggong Hudyo na mula sa paglubog ng araw ng Biyernes hanggang paglubog ng araw ng Sabado, na itinuturing na isang banal na araw na hindi pinahihintulutan ang anumang paggawa o pagtatrabaho.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.