Ang
Malawak ng Sabak ng Yarlung Zangbo,
Malaking Sabak ng Yarlung Zangbu, o
Sabak ng Tsangpo ay isang malalim na mahabang
sabak o
kanyon sa
Tsina. Nagmumula ang Ilog ng Yarlung Tsangpo, karaniwang tinatawag na "Zangbo" o "Tsangpo" lamang at nangangahulugang "mandadalisay" o "tagapagdalisay", sa Bundok ng Kailash at tumatakbong pasilangan ng may mga 1700 kilometro ang nagpapatulo sa maliit na hilagaing bahagi ng
Himalaya bago ito pumasok sa sabak na malapit sa Pe ng Tibet. Mayroong habang 150 mga milya ang sabak sa pagbaluktot nito sa paligid ng Bundok ng Namcha Barwa (7,756 mga metro) at humahati sa daan patungo sa silanganing sakop ng Himalaya. Bumabagsak ang mga tubig nito mula 3,000 metro malapit sa Pe magpahanggang mga 300 metro sa wakas ng sabak. Pagkaraan ng lagusang ito, pumapasok ang ilog sa Arunachal Pradesh ng
Indya, at nagiging ang Brahmaputra pagdaka.