Ang
salmo ay isang salitang nangangahulugang "
awit". Sa mas tiyak na ibig sabihin ng salita, isa itong
awitin o
himno sa simbahan na itinuturing bilang
sagrado o
banal. Sa
Bibliya, ginamit ng mga tao ng Diyos ang
mga salmo upang (a) sambahin ang Diyos, (b) para humingi ng tulong mula sa Diyos sa panahon ng kapahamakan o suliranin, at (c) upang pasalamatan rin ang Diyos. Kalimitang kinakanta ang mga salmo ng mga taong nagsasamasama o nagsasalusalo sa pagsamba sa Diyos.