Ang
Organisasyong Pandaigdig ng Kalusugan o
Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan (
Ingles:
World Health Organization o
WHO; binibigkas
W-H-O) ay isang natatanging sangay ng
Mga Nagkakaisang Bansa na gumaganap bilang isang katuwang na kapangyarihan sa pandaigdigang
pampublikong kalusugan. Itinatag noong
Abril 7,
1948, at naka-himpilan sa
Geneva,
Switzerland, namana ng ahensiya ang mandato at kakayahan ng hinalinhan nito, ang Samahang Kalusugan, na naging sangay ng Liga ng mga Bansa. Ang ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing
Abril 7.