Ang
Pentateukong Samaritano,
Torang Samaritano o
Samaritanong Torah (Hebreo: תורה שומרונית torah shomroniyt) ang bersiyon na
Samaritano ng
Pentateuch o Torah ng
Hudaismo. Ang Pentateuch ang unang limang mga aklat ng
Bibliya. Ito ay tradisyonal na isinulat sa alpabetong Samaritano at ginagamit ng mga Samaritano sa kanilang
relihiyon. Ito ang bumubuo sa buong
kanon na biblikal ng relihiyon ng mga Samaritano na Samaritanismo. Itinatakwil na kanonikal sa Samaritanismo ang ibang mga aklat ng
Tanakh na hindi Pentateuch ng Hudaismo. Ang mga pagsasanay pang-
relihiyon ng mga
Samaritano ay batay sa kanilang bersiyon na Samaritano ng
Pentateuch ng Hudaismo. Ito ay iba mula sa mga tekstong
Masoretiko o sa
Septuagint. Ang mga 6,000 na pagkakaiba ay umiiral sa pagitan ng Samaritanong Pentateuch at
Masoretikong Pentateuch. Ito ay kinabibilangan ng mga pagkakaiba sa doktrina gaya ng utos sa Samaritanong Torah na magtayo ng dambana sa Bundok Gerizim. Ang halos 2,000 pagkakaiba ng Samaritanong Pentateuch sa Masoretikong Pentateuch ay umaayon sa
Septuagint at ang ilan ay sa Latinong Vulgata. Ang ilang mga manuskrito ng Pentateuch sa
Mga skrolyo ng Patay na Dagat ay nagdadala ng uring tekstong "pre-Samaritano". Ayon sa mga skolar, ang Samaritanong Pentateuch ay kumakatawan sa isang autentikong sinaunang tradisyong tekstuwal sa kabila ng pag-iral ng mga walang katulad na anyo na ipinakilala ng mga Samaritano. Ang mga Samaritano ay naniniwala na isinulat ng
diyos ang kanilang Samaritanong Pentateuch at ibinigay kay
Moises ang unang kopya nito kasama ng dalawang mga tableta na naglalaman ng
Sampung Utos. Ang mga Samaritano ay naniniwala na ang kanilang mga kopya ay nag-iingat ng tekstong ito na isinulat ng diyos na hindi naliko hanggang sa kasalukuyang panahon. Kanilang tinatawag ang kanilang Samaritanong Pentateuch na קושטה ("Ang Katotohanan"). Ang mga Samaritano ay nag-aangkin na sila ay nagmula sa Hilagang
Kaharian ng Israel na humiwalay sa
Kaharian ng Judah pagkatapos ng kamatayan ni Solomon.