Ang San Mateo, Rizal, Bayan ng San Mateo, Lalawigan ng Rizal, o payak na San Mateo lamang ay isang unang klaseng urbanong munisipalidad ng Lalawigan ng Rizal sa Pilipinas. Nakalagak ito sa pulo ng Luzon, at isa sa 13 mga munisipalidad at isang kabiserang lungsod na bumubuo sa Lalawigan ng Rizal, Rehiyon 4-A (Rehiyon ng Calabarzon) sa Katimugang Katagalugan ng Pilipinas. Kabahagi ang San Mateo ng Paikot na Urbanong Lansangan ng Metro Luzon (Metro Luzon Urban Beltway). Binubuo ang Metro Luzon ng Rehiyon 3, Rehiyon 4-A (CALABARZON) at ng kalapit na Pambansang Kabiserang Rehiyon (National Capital Region, NCR). Isa ang Metro Luzon sa apat na Super na mga Rehiyon sa Pilipinas.