Ang
sandatang nuklear o
sandatang nukleyar ay isang
sandata na hinango ang kanyang enerhiya mula sa mga reaksyong nuklear ng
fission at/o
fusion. Mas makapangyarihan ang pinakamaliit na sandatang nuklear kaysa mga konbensyonal na eksplosibo maliban sa malalaking uri nito. Maaaring lipulin ng sampung-megaton na sandata ang buong
lungsod. Maaari naman masunog ng sandaang-megaton na sandata (bagaman impraktikal ang paghusga) ang mga bahay na yari sa kahoy at ang mga gubat sa isang bilog na 60-100 milya (100-160 kilometro) sa diyametro. Naipadala ng ikalawang ulit ang sandatang nuklear sa
kasaysayan ng pakikidigma – parehong tinapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig; nangyari noong umaga na
Agosto 6,
1945 ang unang ganoong pagbomba, noong hinulog ng
Estados Unidos ang isang
uranium na nasa mala-baril na kasangkapan na pinangalang "
Little Boy" o "Maliit na Bata" sa lungsod ng
Hiroshima,
Hapon at nangyari naman pagkalipas ng tatlong araw ang paghulog ng ikalawang bomba sa
Nagasaki, Hapon; ipinangalan naman ang pangalawang bomba bilang "
Fat Man" o "Matabang Lalaki" na isang
plutonium na nilagay sa isang kasangkapan na sumasabog paloob.