Si Santiago ang Nakatatanda o Santiago na Matanda (Ingles: James the Elder, James the Greater, James, son of Zebedee) ay isang santo ng Romano Katoliko na naging isa sa mga unang labindalawang mga alagad ni Hesus. Kilala rin siya bilang Santiago ang Mas Dakila at Santiago, anak ni Zebedeo. Siya ang unang namatay bilang martir noong nasa Jerusalem. Siya ay tinatawag na Santiago ang Mas Dakila upang itangi siya mula kay Santiago na anak ni Alfeo na kilala rin bilang si Santiago ang Kaunti.