Saudi Arabia


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Arabyang Saudi
Ang Kaharian ng Saudi Arabia ( ) o Saudi at sa Arabe bilang as-Su‘udiyah , ay ang pinakamalaking estado sa Gitnang Silangan ayon sa sukat ng lupaing sakop, na halos sumasakop sa kabuuan ng Tangway ng Arabia, at ikalawa sa pinakamalaki sa Daigdig ng Arabia. Naghahanggan ito sa Jordan, at sa Iraq sa hilaga at sa hilagang silangan, sa KuwaitQatar, at sa United Arab Emirates  sa silangan. Sa Oman naman sa timog silangan, at sa Yemen sa timog. Nakaugnay din ito sa Bahrain sa pamamagitan ng King Fahd Causeway. Matatagpuan sa kanluran nito ang Dagat Pula, at ang Golpo ng Persiya ang nasa hilagang silangan, kung saan ang pangalan nito ay naging dahilan ng kontrobersiya sa pangalan nito simula noong ika-20 dantaon. Kahit na ang pandaigdigang pagpapangalan dito ay Golpo ng Persiya, ang Golpo ng Arabya ang opisyal na pangalan nito sa Saudi Arabia at sa halos lahat ng mga bansa sa Arabya. May tinatayang 25.7 milyon populasyon ang Saudi Arabia kung saan 5.5 milyon dito ay mga hindi tunay na mamamayan.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.