Ang mga
Skink ay mga
butiking kabilang sa pamilyang
Scincidae. Kasama ng ibang mga pamilya ng butiki kabilang ang Lacertidae (ang tunay o pader na butiki), ang mga ito ay bumubuo sa superpamilya o infraorder na Scincomorpha. Sa mga 1200 inilarawang espesye nito, ang Scincidae ang ikalawang pinaka-dibersong pamilya ng mga butiki na nalampasan lamang ng Gekkonidae (geckos).