Si
Seno ng Sityum o
Senon ng Sityo (Ingles:
Zeno of Citium, kilala rin bilang
Zeno Apathea; Kastila:
Zenón de Citio,
el Estoico) (333 BK 264 BK o 235 BK) ay isang pilosopo. Naging mag-aaral siya ni Carates ng Tebes, na siyang pinakabantog na siniko noong panahong iyon. Si
Seno ng Sityo ang nagpasimula ng
Istoikong paaralan ng
pilosopiya o
Istoisismo. Itinuro niya na matatagpuan ang
kaligayahan sa pamamagitan ng kawalan ng kasarapan at
hapdi. Binansagan siyang
Ang Istoiko.