Ang
Aklat ng Exodo o
Exodus ay ang ikalawang aklat ng
Torah o
Pentateuko, ng
Tanakh at ng
Lumang Tipan ng
Bibliya. Sa Hebreo, ito'y tinatawag na Shemot (שְׁמוֹת) na galing sa pariralang Ve-eleh shemot, ואלה שמות, "At ito ang mga pangalan". Nangangahulugang "Paglabas" ang salitang
Exodo na hinango mula sa
wikang Griyego. Nilalahad sa librong ito ang paglabas ng bayang
Israel mula sa
Ehipto noong ika-13 daantaon habang pinangangasiwaan ni
Moises. Karugtong ito ng kasaysayan ng mga Israelita na isinalaysay sa
Aklat ng Henesis (ang kanilang pagkaalipin sa ilalim ng mga
Ehipsyo, pagtawid nila sa
Dagat na Pula, at ang paglalakbay sa
ilang para marating ang
Bundok Sinai, kung saan gumawa ang
Diyos ng pakikipagtipan sa bayan ng Israel). Sa pamamagitan ni Moises, ibinigay ng Diyos sa mga Israelita ang
Sampung Utos o Batas.