Sigmund Freud


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Sigmund Freud
Si Sigmund Freud, ipinanganak bilang Sigismund Schlomo Freud (Mayo 6 1856 – Setyembre 23 1939), ay isang neurologo at sikyatrist ng Austria na nagtatag ng paaralang sikolohiyang siko-analisis. Ang mga magulang ni Freud ay mahirap ngunit kanilang siniguro ang kanyang edukasyon. Pinili ni Freud ang medisina bilang karera at naging kwalipikado bilang isang doktor sa University of Vienna. Kalaunan ay nagsagawa siya ng pagsasaliksik sa cerebral palsy, aphasia at mikroskopikong neuroanatomiya sa Vienna General Hospital. Ito ay humantong sa gantimpala ng isang pagtuturo ng Unibersidad sa neuropatolohiya na isang posisyong kanyang binitiwan matapos pumasok sa pribadong pagsasanay. Sa basehan ng kanyang pagsasanay, si Freud ay bumuo ng mga teoriya tungkol sa walang kamalayang pag-iisip at mekanismo ng represyong sikolohikal. Kanyang nilikha ang sikoanalisis na isang paraang klinikal sa paggamot ng sikopatolohiya sa pamamagitan ng pakikipag-usap ng isang pasyente at sikoanalista. Iminungkahi ni Freud ang pag-iral ng libido na isang enerhiy kung saan ang prosesong pangisipan at mga istruktura ay inilaan). Kanyang binuo ang mga paraang terapeutiko gaya ng malayang asosiasyon kung saan inuulat ng mga pasyente ang kanilang mga pag-iisip nang walang reserbasyon at sa alinmang pagkakasunod na kusang loob itong nangyayari), tinuklas ang transperensiya kung saan inilipat ng mga pasyente sa kanilang mga analista ang mga saloobin batay sa karanasan ng mga mas naunang pigura sa kanilang buhay) at itinatag ng sentral na papel nito sa analitikong proseso. Kanyang iminungkahi na ang mga panaginip ay nakakatulong na panatlihin ang panaginip sa pamamagitan ng pagkakatawan ng mga stimuli na pangpandama bilang mga natupad na kahilingan na kundi ay gigising sa nanaginip. Siya ay isa ring mananaysay na humuhugot sa sikoanalisis upang mag-ambag sa interpretasyon at critique ng kultura. Ang sikoanalisis ay nanatiling impluwensiyal sa loob ng sikayatriya at sa buong mga humanidad. Sa gayon, ito ay patuloy na lumilikha ng mga malawakang debate na ang pinakakilala ay tungkol sa katayuang siyentipiko nito at kung ito ay nagsusulong o pumipinsala sa mga layuning peminista. Anuman ang nilalamang pang-agham ng mga teoriya ni Freud, ang gawain ni Freud ay nakapagpuno ng isipang intelektuwal at kulturang popular hanggang sa noong 1939 ay isinulat ni W.H. Auden sa isang tulang handog para kay Freud ang mga katagang Ingles na: "to us he is no more a person / now but a whole climate of opinion / under whom we conduct our different lives" ("para sa atin, siya ay hindi na isang tao / ngayon, bagkus ay isang kabuoan ng klima ng opinyon / na sa ilalim niya ay isinasagawa natin ang ating iba't ibang mga buhay").

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.