Ang
Sikhism ay isang monoteyistikong relihiyon, o isang anyo ng pananampalatayang naniniwala sa iisang Diyos. Tinatawag ang mga nananampalataya nito bilang mga
Sikh, at tinatawag na Guru Granth Sahib ang kanilang banal na aklat. Popular sa
Asya, mayroon itong 30 milyon mga tagasunod, kung kaya't ito ang ika-limang pinakamalaking relihiyon sa mundo.